Sunday, September 29, 2013
Coach Tim Cone Vs. Coach Ryan Gregorio Noon at Ngayon
Kung ikaw ay matagal ng sumusubaybay sa PBA lalong lalo na ng San Mig Coffee Mixers, alam mong ang kasulukuyang coach ng Meralco Bolts na si Ryan Gregorio ang dating humawak sa Purefoods na ngayon nga ay San Mig Coffee na. Nakapagbigay sya ng ilang championship sa koponang ito.
Ilan sa mga di makakalimutang nagawa ni Gregorio para sa Purefoods ay pag-Sweep nila sa Alaska sa Finals noong 2010 at ang pagbangon mula sa 1 win 3 losses sa kanilang Best of Seven Semi Finals noong 2006 laban din sa Alaska na ang coach pa noon ay si Tim Cone
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Ibang koponan, ibang coaching staff at ibang players na ang kanyang hawak laban kay Cone na sya naman ngayong Coach ng original na team ni Gregorio.
Tinuring si Gregorio na dalubhasa sa pagbasag sa Triangle Offense ni Tim Cone. Ang problema lang, mula ng malipat si Cone sa Purefoods (San Mig), ay hindi na umubra si Gregorio. Sa bawat playoffs na kanilang pinagdadaanan ay laging nagwawagi si Cone.
Ang tanong kasi jan, magaling nga si RG sa pagbasag sa triangle Offense. Pero meron ba syang sapat na piyesa upang labanan ang koponan ni Cone? Noon kasi ay meron syang Yap, Pingris, Simon, Canaleta at Raymundo na ginamit nyang panlaban sa Alaska noon. Pero ngayon? Ibang iba na nga
Si RG kasi mahilig yan gumamit ng shooting guard na scorer tulad ni James Yap at Pj Simon. Eh ngayon, ang meron lang sya ay sina Mac Mac Cardona at John Wilson. Si Cardona na pwede sanang itulad ni Gregorio sa career ni Yap na primary scorer ng team. Ang kaso, di pa ganun kalakas si Cardona dahil kagagaling lang nito sa injury. Si Wilson naman ay shooter nga pero hindi ganun kaconsistent sa scoring.
Ibang iba ang kanyang players na hawak sa ngayon kumpara noong ginapi nya si Cone sa kahanga hangang mga panalo. Ang dating nito, ay gamit na ni Cone ang mga armas na syang ginamit ni Gregorio noon laban sa kanya.
Kaya ngayon, malaki ang tsansa ni Cone na maitawid muli sa finals ang Mixers. Pero syempre, hindi pa tapos ang laban. May pagasa pang makabawi ang Meralco. Best of 5 naman ang semis at nakakaisa pa lang ang Mixers.
Asahan ang mas matinding bakbakan sa Game 2 Governor's Cup Semi Finals.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Nice one! I like this one "Ang dating nito ay gamit na ni Cone ang mga armas na syang ginamit ni Gregorio noon laban sa kanya". Go SanMig! See you in the Finals!
ReplyDeleteThank you Sir!
Deletetama ka tlga jan... kaya yan c coach RG. nag-iisip na yan nang strategy paano nya mabantayan yang dating mga bata nya na JY PJS, MP.
ReplyDeleteNice rivalry!! nagkalipatan man ng team pero sila parin ang nagkakabanggahan ngayon.,ang dating kakampi ni Coach RG ngayon kinakalaban na nya.,Coach TC vs. Coach RG, SMCM vs. MB.,maganda to!! Destined Rivalry!!.,Go San Mig Coffee Mixers!!.,sweep nyo rin sila tulad ng ginawa ng Coach RG kay Coach TC noong nasa Alaska pa siya #GoForFinalsMixers
ReplyDelete