Sunday, September 8, 2013

The James Yap Factor

3 of their last four games, maganda ang pinakitang laro ng tinaguriang "The Face of the PBA" at 2 time MVP ng liga na si James Yap. Sa huling 4 na laro ng Mixers ay nag-aAverage si Yap ng 19 points at 5.75 rebounds per game kumpara sa unang dalawa na nagresulta ng talo ay nag-average lamang sya ng 5 points per game. 





Palatandaan ito na si James ang tumatayong barometer ng Mixers kung sila ay mananalo o hindi. Nung unang dalawang laro, sinabi ni Yap na may halong gigil ang bawat tira nya kaya ganun na lamang kasama ang kanyang shooting. At sa dalawang laro ding yun natalo ang Mixers. 

Simula ng gumanda ang laro ni Yap, lumaki din ang tsansa ng San Mig Coffee na mapanalo ang kanilang mga laro. Tanging sa Petron Blaze Boosters lang sila natalo. Sa larong yun maganda pa rin ang pinakita ni Yap, ngunit nilabas sya sa crucial na parte ng laro kahit na nakadalawang sunod na tres sya upang pigilang lumayo ang Boosters. 

Ganun pa man, ang muling pagbangon ni Yap na nakatanggap ng katakot takot na kritisismo sa mga fans sa sama ng kanyang laro ay malaking bagay para sa mixers. Oo nga't consistent ang all around performance ni Blakely pero syempre, hindi nya ito kakayanin magisa. Kakailanganin nya ng outside shooters tulad ni Yap para lumuwag ang depensa sa gitna at makasalaksak sya sa basket at kung madepensahan ng mahigpit ay may papasahan sya sa labas. 

Ang kasuklam suklam na unang 2 laro ni Yap ay tinuturing na blessing ni Coach Tim Cone na sinabing pagkatapos ng masasamang laro na yun ay naging dedicated umano si Yap at mas nagpursige sa practice. Lalo pa sigurong nachallenge si Yap ng masabi ni Cone na naaapektuhan ng pagtanda ni Yap ang kanyang laro. 

Ngayon, pinapatunayan ni Big Game James na hindi lang sya basta nagbalik. Mas matinding Yap pa ang kanyang pinakita sa publiko dahil ngayon ay nagimprove ng husto ang kanyang depensa. Nakita ito ng mga fans ng dumipensa si Yap sa mga explosibong scorer ng liga na si David at Caguioa. 

Umaasa ang fans ni Yap na magtutuloy tuloy na ito at magkaron ng malaking tsansa na muling mapagwagian ang Best Player of the Conference Award at syempre ang minimithing Championship. 

1 comment:

  1. Tama yung article ko last time. Na isa sa weakness ng ginebra ay yung Mark Caguioa's selfishness. Daming pilit na tira. haha! Di tuloy pumasok. At nung dumating yung open shots, nawalan na ng confidence.

    ReplyDelete