Sunday, September 15, 2013

San Mig Coffee Players of the week

Welcome sa bagong feature ng inyong PBA Dude. Ang San Mig Coffee Player of the week. Dito papangalanan natin ang player o mga players na nagpakita ng kanilang husay sa hard court per week.



Dahil sa kanilang husay at tapang sa paglalaro, umani ng kabi kabilang papuri sina Allein Maliksi at Mark Barroca ng San Mig Coffee Mixers.

Kapwa nagcocontribute sa offense ang dalawang manlalarong ito na syang naging susi sa mga panalo ng San Mig Coffee laban sa Alaska Aces at Barako Bull Energy Cola. Kinakikitaan ng consistency si Maliksi na nag-average ng 17 points sa kanilang laban sa dalawang nasabing koponan. Kabilang dito ang kanyang unang slam dunk suot ang San Mig Coffee Uniform na syang inaabangan ng marami.

Nagambag naman si Barroca ng 13.5 points sa kanilang huling dalawang laro. Nakapaloob dito ang mga ginawa ni Barroca sa crucial na part ng laban. Laban sa Alaska ay tumirada sya ng dalawang basket sa huling parte ng laro para pigilan ang Alaska sa tangka nitong ibaba ang kalamangan ng Mixers.

Habang sa laro nila kontra Barako Bull muli nanamang uminit ang kamay ni Barroca na nagsalpak ng game tying jumper  at kunin ang kalamangan sa pamamagitan ng dalawang free throws 18.3 segundo na lamang ang nalalabi sa 4th quarter.

Malaking bagay para sa San Mig ang pagstep up nilang dalawa sapagkat hindi nakuha ni Yap at Simon na syang pangunahing scorer ng team ang tamang timpla ng kanilang mga laro
Tulad sa unang nasulat, si Barroca at Maliksi na marahil ang magiging future ng San Mig Coffee Mixers. Pag nagpatuloy ito, mahihirapan na ang ibang koponan na pigilan ang Mixers. Congratulations Mark and Allein!

Please leave your suggestions and comments below. Thanks!

No comments:

Post a Comment