Sunday, November 17, 2013

Too early to panic for San Mig "Super" Coffee Mixers




Sa unang laro ng season, bigong makuha ng San Mig Coffee Mixers ang kanilang unang panalo laban sa mortal na kalaban nitong Baranggay Ginebra San Miguel. Maganda ang naging simula ng Mixers sa pangunguna ni point guard Mark Barroca at rookie Ian Sanggalang.

Subalit pagdako ng 2nd half ay bumida para sa Ginebra sina Emman Monfort at Dylan Ababou na syang naging susi sa tagumpay ng BGSM. 

Bago pa man nagsimula ang laro ay llamadong llamado na ang Ginebra dito dahil sa mahaba habang preparation nila para sa bagong season ng PBA. Nakasama nila ang kanilang rookies at new acquisitions ng matagal upang maging familiar ang mga ito sa sistema ng Ginebra.

Kabaligtaran ang nangyari sa Mixers, 1 week preparation lang ang naging puhunan nila sa labang ito. Isang linggo para mafamiliarize ang rookies sa triangle offense at 1 week para mapagpag ang championship hangover. 

Dagdag pahirap sa mixers ang pagkawala ng 2 nilang pambato na sina Joe Devance at Peter June Simon. 
Malaking bagay ang pagkawala ng mga players na to dahil nabawasan ng scorers ang San Mig Coffee.

Pero sa kabila ng pagkatalo ay kinakitaan pa din ng lakas ang San Mig. Nakalamang pa nga sila sa laro kahit na kulang sa preparasyon. Nag Collapse lang talaga nung 2nd half. Andun pa din sana yung higpit sa depensa at ganda ng ikot ng bola.

At sa isang laro pa lang, nasilip din di lang ng coaching staff pati ng fans ang galing ng kanilang rookies. 
Nagpakitang gilas para sa Mixers ang number 2 overall draft pick na si Ian Sanggalang. Malakas ito sa ilalim at may galaw na pang beterano. 

Si Melton naman, bagamat 5 points lang ang nasumite at halatang nangangapa pa, nakitaan sya ng bilis, liksi at pati na rin ng outside shooting. Isa doon ay counted, at ang isa ay hindi dahil sa shot clock violation. 

Kumbaga kasi sa isang mahusay na boksingero, ang San Mig Coffee ay maihahalintulad sa isang sikat at magaling na fighter subalit nagkulang sa preparasyon at pahinga. Bigyan natin ng konting panahon ang team na to at who knows, baka magkaron ang PBA ng bagong back to back champion. Too early to tell ika nga. Pero sa lakas ng line up nila ngayon. Malay natin....

No comments:

Post a Comment