Sunday, September 22, 2013

San Mig Coffee Players of the Week

Sa nakaraan nilang game laban sa Meralco Bolts, hindi naasahan ng San Mig Coffee Mixers sa opensa ang kanilang top 2 local scorers na sina James Yap at si Allein Maliksi 

Pero hindi ito naging hadlang para sa San Mig na kunin ang tagumpay. Sumandal ang Mixers sa isa rin nilang pambato sa opensa na si Peter June Simon na umiskor ng 20 points upang makamit ang twice to beat advantage sa Quarter Finals. 




Buong conference na hinahanapan ng opensa si Simon ngunit tila hindi nito makuha ang tamang timpla ng kanyang laro. Pero hindi sa pinaka-importanteng laro ng eliminations para sa San Mig na syang naglagay sa kanila sa number 2 spot ng teams standings. Dahil hirap nga si Yap at Maliksi sa pagscore, sinamantala ni Simon ang pagkakataong mamuno para sa kanilang koponan at tulungan ang import nilang si Marqus Blakely na pumuntos. 

Isa pang player na patuloy na nagpapakitang gilas para sa Mixers ay si Mark Barroca. Kahit na 6 points lang ang nagawa ni Barroca sa kanilang huling laro, ito naman ang pinakaimportanteng puntos para sa San Mig dahil nagawa nya ito sa crucial na parte ng laro. 

Tila napapadalas ang ganitong eksena para kay Barroca na maganda para sa San Mig Coffee na syang magpapalito sa kalaban kung sino ba dapat ang bantayan lalong lalo na kung dikit ang laban at paubos na ang oras sa laro. Kung noon ay si Yap, Simon at Blakely lang ang number 1 option nila sa last shot ngayon ay may Barroca na sila na kayang magdeliver pag kinailangan. 

Nakakagulat ang performance na ito ni Barroca dahil kung tutuusin ay binabagabag sya ng gulo sa Zamboangga kung saan sya galing at kung saan nakatira ang kanyang magulang. Pero umiral pa din kay Mark ang pagiging propesyonal dahil hindi sya kinakitaan ng pagkawala sa focus sa kanilang mga huling laro. 

Congratulations Mark and Pj! Tuloy nyo lang yan at maganda ang magiging resulta para San Mig Coffee..

-P.S
exclusive lang po eto para sa San Mig Coffee Players.

No comments:

Post a Comment