Monday, September 2, 2013

Top 5 Villains ng San Mig Coffee Mixers

Kung ikaw ay matagal ng sumusubaybay sa PBA, pag binanggit sayo ang pangalang San Mig Coffee Mixers ay maiisip mo agad na isa ito sa mga pinakasikat na koponan sa liga ngayon.

Mula pa panahon ni Patrimonio at Codiñera hanggang kay Yap, Pingris at Simon, laging bida ang mga players ng Purefoods sa mata ng mga tao. Pero syempre, kung may bida dapat may kontra bida. 

Heto ang top 5 sa mga epalistic players (from the root word epal)  na matagal ng kinaasaran ng fans ng san mig coffee:

5. Jireh Ibañez
Etong mama na ito, tahimik naman sya. Walang showboat, laro lang. Pero kung titignan mong mabuti may kadumihan pala maglaro itong  si ibanez. Mortal na kalaban ito ng pinakasikat na player ng San Mig ngayon na si James Yap. Pano ba naman, ang depensa nito noong finals ng magkaharap ang ROS at SMCM ay kakaiba. Di lang basta pisikal, pananadya na ang pananakit nya. 


4. Ronald Tubid
Maraming alaala ang player na ito para sa San Mig Coffee, isa kasi sya sa mga player na laging sangkot sa gulo sabay layo sa player na nakainitan nya para iwas technical kahit sya naman ang nanguna. Naaalala ko pa yung  gulo nila ni Ping noon. Pinatid nya si Pingris sabay tago sa bench na parang batang maliit na nahuling nangungupit sa kanyang nanay.


Isa pang bagay na kinaiinisan sa kanya ng mga tao ay ang kanyang kaartehan. Marami ang inis sa flopping although part ng laro yun pero etong si Tubid ay yung tipo na mahanginan lang, tutumba agad para makakuha ng offensive foul. Samahan mo pa ng pangasar na reaction nya after ng call. hehe!


3. Mac Mac Cardona
Anong Height mo with matching salute. Ganyan mag-yabang si Cardona pag nakakascore sya sa mas malaki sa kanya o di kaya ay maganda ang nilalaro nya. 

Isa na ata ito sa mga pinakamaangas na player na naproduce ng PBA. Marahil ay nakasanayan na lang nya dahil nung college ay mahilig na talaga to sa kantiyawan. Ang problema lang ay biglang di na pinaguusapan ngayon si Cardona, siguro dahil sa injured. Kelan kaya siya uli makakapagyabang? wahehe!

2. Beau Belga
Boo! Boo! huh? Mapaos kayo sa kasisigaw ng Boo, wala syang pake. Sa halip mas gaganahan pa syang maglaro pag ginawa nyo yun. Nasayang lang boses nyo. Si Belga na ata ang may pinakamalupit na siko at balya techniques sa PBA ngayon. Pisikal kung pisikal. Sakitan kung sakitan, aminado naman sya doon. Kung di siguro sya Basketball player malamang ay sumo wrestler sya. Pero fans nya tayo pag Gilas Pilipinas naman ang paguusapan

1. Calvin Abueva
Masu-surprise pa ba kayo sa top 1? Aba! Sa lahat ng epal sa PBA, si Abueva ang pinakanagniningning sa lahat. Flop dito flop doon, mas mahusay sya kay Tubid umarte. Siko dito siko doon, hahawiin nya pati muka mo. At ang reaction? Parang wala lang nangyari. Tignan mo coach nya, hindi nya makikitang foul ang ginagawa ng bata nya.

Hindi lang San Mig Coffee ang ayaw sa taong ito. Halos lahat ata ng fans ng ibang teams ay ayaw sa kanya. Patunay na dito ay si Danny Seigle na isa rin sa nakatikim ng kadumihan sa paglalaro ni Abueva. Ayun! Pinatulan sa tune up game nila. Lamog tuloy si Calvin. hak! hak!

Pero sabi nga ng pauso ni Robert Jaworski, "kung ayaw mo masaktan, magchess ka na lang". Di lang natanong ng mga reporter kay Jawo kung hanggang saan ang limit ng pananakit na yun. haha! Hanggang san nga ba? Hanggang mabaldado ba ang player? 




Kayo, sinong top 5 nyo? Bwahahahaha!




4 comments:

  1. Di ko na dinagdag si David at Caguioa. Bibihira lang naman sila mangasar pero kabilang sila sa pinakaayaw ng mga fans ng SMCM.

    ReplyDelete
    Replies
    1. OK LNG KHT APIHIN ANG SAN MIG LALABAN AT LLBAN P RN!!! PUSOO!!!

      Delete
  2. ahahaha kagaguhan... walang kwenta! walang alam na fans... ang alam mo lng ata mag cheer gagu. nuod ka nlang ng chess...iba ang madumi sa magulang tanga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay! Gulang pala ang tawag sa mga fouls na career threatening? hahahaha!

      Delete