Kapwa nagsipagwagi ang San Mig Coffee Mixers at Baranggay Ginebra sa kani-kanilang mga laro sa ginaganap na 2013 governor's cup.
Sa unang laro, impresibong nagwagi ang Mixers sa score na 102-88 laban sa Global Port Batang Pier, pero kalakip nito ang masamang pangyayari. Nasangkot ang Gilas Player at Ace Defender ng San Mig Coffee na si Marc Pingris sa gulo na kinatampukan ng kakamping si Joe Devance at GP player Kelly Nabong.
Sa dulo ng gulo, ang banatan ni Pingris at Nabong ang naging sentro ng aksyon. Kung kaya eto ay humantong sa ejection at malamang nga bukas ay ilabas na ni Kume Salud ang hatol na suspension at may kasamang pang multa pag nagkataon.
Bale ang ibig sabihin nito ay malaki ang posibilidad na hindi makalaro si Pingris sa linggo laban sa Ginebra. Malaking bagay ito para sa Mixers. Dahil si Pingris ang tumatayong leader ng koponang ito dahil sa kanyang energy sa paglalaro.
Dahil dito, nabawasan ng poproblemahin ang Ginebra dahil nga hihina ang frontline ng Mixers sa kanyang pagkawala. Mahusay kasing import defender si Pingris at magandang depensa ang maibibigay nya kay Lowhorn na import ng Ginebra.
Magkaganun man, may sarili ring problema ang Ginebra dahil hindi makapaglalaro ang athletic big man nila na si Japeth Aguilar, pati na rin si Kerby Raymundo dahil sa injury. At dahil dito, humina rin ang gitna ng Ginebra San Miguel.
Lugi sila dito pag nagkataon. Pero alam naman ng lahat na Run and Gun ang tipo ng laro ng Ginebra. At dahil dun masasabi nating medyo ok pa ang ginebra kahit wala yung malalaki nila, kung makakatakbo naman sila at maipapasok ang kanilang mga outside shots.
So lumalabas, match lang. Walang Pingris ang San Mig, walang Aguilar ang Ginebra. Si Kerby, kahit naman anjan sya ay di na rin naman ganun kalakas ang kanyang laro bunga ng injuries na kanyang tinatamo. Patas patas lang.
Ang San Mig naibalik na ang dating porma ng kanilang star player na si James Yap samahan mo pa ng pagusbong ng career ni Allein Maliksi sa team na to. Umiskor si Maliksi ng 18 points para sa Mixers na syang naging daan para makapagpahinga ng matagal tagal sa bench si Yap. Sa kasamaang palad, mistula namang napakabigat ng mga kamay ni Pj Simon ngayon dahil sa kanyang masamang performance. Pero inaasahan na sa laro laban sa Ginebra, mulang masisilayan ng SMCM fans ang tikas sa paglalaro ni Simon.
Ang Ginebra, meron ng Tenorio-Caguioa Tandem na syang naging susi sa tagumpay ng Ginebra San Miguel laban sa Air 21 Express. Si Tenorio na tumapos ng 18 points kasama ang 14 assists, at si Caguioa na nagambag naman ng 20. Ang kanila namang import na si Dior Lowhorn ay nagsumite ng 35 points.
Abangan na lang natin kung sino ang magwawagi sa dalawa sa pinakasikat na koponan ng Liga ngayon. Ikaw? San ka? Kampihan na!



laban GINEBRA... NEVER SAY DIE ika nga...
ReplyDeleteSinong bibida sa Ginebra?
ReplyDeleteSinong bibida sa San Mig Coffee?
Kampihan na!
Ako syepmre JCY18 fan ako eh!!! hahahah
ReplyDelete