Gener: Ginebra Fan
Miguel: San Mig Coffee Fan
(Nagkita sa isang mall si Gener at Miguel)
Miguel: uy pareng Gener! Mukang do or die kayo ngayon laban sa Talk N Text ah..
Gener: Oo nga pre eh.. Walang katulong sa ilalim si lowhorn. Pero di bale next season meron na kaming malakas na center 7 footer pa.
Miguel: Ha? Anong ibig mong sabihin?
Gener: dahil sa pagkakaeliminate ng Air21, last place na sila. At hawak nila ang 1st round draft pick namin. At lumaki ang chance na kami ang makakuha ng 1st pick. Hindi na kayo.
Miguel: aahh.. oo nga pala. Pero wag kang pakakampante pre. Malaki lang ang chance na mapunta sa ginebra ang 1st pick pero hindi ibig sabihin na sa inyo na agad yun. Dadaan pa tayo sa lottery.
Gener: Halatang naiinggit ka pre no? Malakas ang kutob ko samin na mapupunta si Slaughter.
Miguel: (napapangiti)
Gener: o pre, bakit ka ngingiti ngiti jan?
Miguel: naalala ko lang kasi pre na nirereklamo ni Tenorio yung transition defense nila.
Gener: and so???
Miguel: Yung transition defense na nga pinoproblema nila eh kukuha pa ng mabagal na player? Malakas si Greg oo, pero di sya bagay sa Ginebra dahil run and gun ang laro nila.
Gener: tapos???
Miguel: Di magtatagal matutulad lang yan sa mga players na magaling na nung napunta sa ginebra ay nanguluntoy ang career. I have nothing against your team bro. Pero kahit naman siguro ikaw ganun ang napapansin mo.
Gener: ..........
Miguel: Baka si Greg na ang sumunod sa yapak nila Maierhofer, Canaleta, Rico Villanueva, Jimbo Aquino, Kerby Raymundo, Intal, Maliksi at marami pang iba.
Gener: Kung makapangalan ka ng players pre wagas. Wag ka naman ganyan sa team ko. Di man gumana si Slaughter sa Ginebra ay pwede naman syang ipantrade para makakuha ng agile Big Man tulad ng sinasabi mo na kailangan ng team namin. Kung naiinggit ka, ganito na lang isipin mo. Maging number 2 pick man kayo, madami pang magagaling na players ang pwedeng makuha ng san mig tulad ni Parks. Kaya wag mo alipustahin team ko.
Miguel: Yun nga iniisip ko eh.. Kung sakaling papasok sa drafts si Parks, malamang sya na ang number 2. Kaso magkakasapawan na sa shooting guard position. Over na sa scorer ang team. May James, Pj at Maliksi na kami.
Gener: Tatlo lang pwedeng mangyari jan bro. Pwedeng kukunin ng San Mig si Sanggalang instead of Parks o kukunin si Parks para ipantrade sa isang veteran big man. O kunin si Parks pero itetrade ang isa kila Simon, James at Maliksi.
Miguel: Kaso pre parang ayaw ko kay Parks.
Gener: oh? Ungas ka ba? Ray Parks na yun. Ano pang hihilingin mo?
Miguel: Bukod kasi sa Big Man ang kailangan ng San Mig ay alam naman natin na may plano yan na pumuntang NBA diba? So, posibleng matulad yan kay Japeth na lalayasan ang team. Eh di sayang yung opportunity na makakuha ng malakas na big man diba?
Gener: Sabagay may point ka jan.
Miguel: Goodluck na lang sa mga team natin pre. Wag sana kayo malaglag. Para may chance pa tayo sa Manila Classico Finals edition.
Gener: taray! Winner tayo jan pre. Korak!
(P.S- Kung makakasingit kayo sa usapan ni Gener at Miguel, anong sasabihin nyo sa kanila? haha! Comment kayo sa baba if you have a google account. Kung wala pa gawa na din kayo. Maganda kasi ang Gmail madami kang magagawa)

pero uala na akong masabi eh... sinabi na ninyo lahat..
ReplyDeletebasta ang sa akin lang. wag buwagin ang simon, pingris, yap, maliksi, mallari, barrocca, at jo devance, pcnxa na lang sa iba...
hahaha! thanks na rin sa pagvisit sa blog ko
Deletematanong lang kita.. anong team ka ba tlga?
Deletecrispa. hahaha!
Deleteayus yan let us wait and see magandang laban yan mahabang haba inuman yan he eh he
ReplyDelete