Tuesday, September 10, 2013

Allein Maliksi: Super Sub 1.2

Super Sub, iyan ang moniker na ibinigay kay Peter June Simon ng San Mig Coffee Mixers dahil sa kanyang husay sa pagscore sa tuwing ipapahinga ang kanilang Primary Scorer na si James Yap. Mula pa noong madraft si Yap ng Purefoods at makuha si Simon, naging magpartner na ang dalawa bilang 1-2 punch ng kanilang koponan.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas, nakuha ng San Mig Coffee Mixers ang kauna-unahang Most Valuable Player ng PBA D-League na si Allein Maliksi. Si Maliksi ay ang 8th pick ng Barako Bull noong 2011 Drafts bago ito nalipat sa Ginebra. Nagbalik sya sa Barako pero muli syang naisama sa trade patungo naman sa San Mig Coffee. 



Saktong sakto lang ang pagkakakuha ng Mixers kay Maliksi dahil kapwa nags-Struggle sa kani kanilang mga opensa si Yap at Simon nung 1st two games. Sa pagkakakuhang ito kay Maliksi, nadagdagan ng outside shooter ang mixers na syang tutulong sa scoring.

Sa kasalukuyan, naga-Average si Maliksi ng 11.33 points per game. Malaking bagay si Maliksi para sa Mixers dahil kapag nilalabas si Yap ay kumokonti ang scoring option ng Mixers dahil na rin sa paglamya ng laro ni Pj Simon. Pupwede ring pagsabaying ipasok si Maliksi at Yap na magreresulta sa pagbuka ng depensa ng kalaban at malayang makapenetrate sa loob ang Big men ng mixers lalo na si Blakely.

Ang tanging kahinaan lang na nakikita kay Maliksi ngayon ay ang kanyang pagsalaksak sa basket. Karamihan kasi ng points ni Maliksi ay nakukuha nya sa labas. Tulad ng sabi ko kanina, outside shooter nga. Pero sa career ng isang player, madalas dumating yung time na aalatin ang mga tira mo sa labas kaya kakailanganin mong magdrive papasok sa loob at ilay up ang bola o di kaya'y magpasabit para makapunta sa free throw line. 

Anyway, sa pinapakitang ito ni Maliksi ay mas lalong kakatakutan ang San Mig Coffee. Isipin mo na lang kung sabay sabay gagana ang opensa ni Yap, Simon at Maliksi. Paglabas ng isa, may kapalit din namang scorer din. Di pa kasama jan si Marc Pingris na suspended ng 2 games. 

Pag nagtuloy tuloy ito, malaki ang tsansa ng Mixers na muling makopo ang inaasam asam na kampeonato. Goodluck!

P.S

Anong bagay na Moniker kay Maliski?

Please post your comments below. I suggest, gawa na din kayo ng gmail account. Mas ok tong gamitin kesa sa YM. 

6 comments:

  1. laking bagay kung maging aggressive si allein sa loob. :) sooner or later magagawa niya yun sa tulong ni Coach Tim Cone :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun na nga. Sa ngayon nagana pa naman yung mga fade away jump shot nya. Pero sana matuto din syang magdrive sa basket. Palaki lang ng katawan ng konti.

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete