Eto ang listahan ng mga Superstars na napakasama ng nilalaro ngayong conference:
1. "Big Game" James Yap
Unahin na natin ang tinaguriang face of the PBA. Sa unang dalawang laro ng San Mig Coffee ay marami ang napareact sa sama ng nilaro ni Yap. Mantakin mong 2 out of 24 lamang ang FG nya na katumbas ng 8% lang? Samahan mo pa ng 0 of 7 sa three point line.
aba eh magugulat ka ngang talaga sa nilaro nito ni Yap. Paliwanag nya ay gigil lang sya dahil hindi na sumasakit ang injury nya. Sabagay, napatunayan naman nyang gigil lang talaga yun dahil yung dalawang sunod na laro nila ay impresibo naman ang kayang performance
Average:
Points Per Game: 11.25
3 points: 7/18 - 39%
Field Goals: 15/52 - 29%
Free Throws: 8/8 - 100%
2. Mark "The Spark" Caguioa
Ang Hari ng Baranggay. Tulad ni Yap, galing din ang mamang ito sa injury. Pero kung titignan mo ang numero nya ay maiimpress ka kahit papano. Kung ibebreak down mo naman lahat ng points na yun, mapapansin mo, mukang may di kagandahan sa stats nito ah..
Sa 3 laro, umaaverage lang sya ng 15% sa 3 point line, 2 out of 13 kung kukumpletuhin ang detalye. Mukang kelangang magpractice pa nito ng outside shot. Marami lang tira kaya nakakascore ng marami si Mark.
Average:
Points Per Game: 14.33
3 points: 2/13 - 15%
Field Goals: 16/46 - 35%
Free Throws: 9/11 - 82%
3. Jeff Chan
Eto naman ang maituturing na bagong Allan Caidic sa ating henerasyon. Bakit hindi? Eh sa bangis nito sa 3 point shot eh mapapanga nga ka na lang kung bakit laging pasok? Sya rin ang numero unong sniper ng Gilas Pilipinas.
Pero tila pumapait ang 3 point shooting ni Jeff ngayong conference? Ultimo sa malapitang tira ay madami din syang sinasablay. Hindi natin maidadahilan yung galing siya ng Gilas kaya masama ang nilaro nya. Kasi nagawa nga ni Fajardo, Pingris, Castro at Fonacier na mamaintain yung bangis nila kahit kagagaling lang nila sa matinding giyera sa FIBA Asia. Eto ang sinasabi kong kalumo lumong performance ni Jeff Chan
Average:
Points Per Game: 6.50
3 points: 3/20 - 15%
Field Goals: 8/32 - 25%
Free Throws: 7/12 - 58%
4. Solomon "Soul Train" Mercado
Sino bang di makakakilala sa taong ito na malupit sa kanyang mga cross over moves sabay tira ng tres? Pag sumalaksak sa basket gamit ang kanyang dribbling skills at quickness, panoorin mo na lang syang tumira kung ganun.
Ngayong conference, hindi masyadong napaguusapan ang pangalan ni Mercado. Tila nawala ang ningning na tinamasa nya last season. 24% sa 3 point line na malayo sa normal nyang produksyon, ingat ingat lang at baka matrade ka nanaman.
Average:
Points Per Game: 10
3 points: 4/17 - 24%
Field Goals: 9/29 - 31%
Free Throws: 9/14 - 64%
Sa mga players na to, bakit si Yap ang favorite pagusapan ng karamihan? Madami naman syang kaparehas. May mas malala pa nga sa kanya. Di ko na sinama si Gary David sa listahan dahil nakakadalawang games pa lang sya at yung isang game nya ay for the win pa sa kabila ng 28% shooting sa 3pt line at nagaaverage lang ng 6.5 points per game. hehe!
Thanks for reading.




Kla ko si idol yap lng panget laro this conference
ReplyDelete