Tuesday, August 27, 2013

The Forgotten Apostle

Makalipas ang tatlong laro ng San Mig Coffee Mixers, naging matinding usap usapan ang pagbangon ni James Yap sa masamang nilaro nya sa una nilang dalawang laro. Pati na rin ang pagbabalik ng Gilas player na si Marc Pingris na syang nagdala sa unang panalo ng Mixers. 

Pero kung fan ka talaga ng PBA, alam mong bukod sa import ay may tinuturing na Big 3 ang San Mig Coffee na kinabibilangan ni Yap, Pingris at Peter June Simon. 


Si Simon na tinaguriang Super Sub ng Mixers na laging katandem ni James Yap sa Scoring sa mahabang panahon. Kilala si Simon sa pagiging shooter at isa sa mga pinakamatinik sa fastbreak. Pupwede nga syang makipagsabayan kay Jayson Castro ng TNT kung fastbreak lang ang paguusapan. 

Pero tila hindi napapansin ng karamihan na medyo nagsstruggle ngayong conference si Simon. Sa tatlong laro ng Mixers ay naga-average lamang sya ng walong puntos kada laro. Malayo sa natural nyang naiaambag para sa team.

(take a look at his 3 point shooting percentage and field goals)



Kung fan ka ni Pj Simon, mababahala ka na. Ano kayang problema sa opensa ni Pj? Dahil ba eto sa playing time?

Sa pagkakakuha ng SMCM kay Allein Maliksi na dating PBA D-league MVP, mas lalong sumikip ang Shooting guard position para sa Mixers kung saan kabilang si Simon. Idagdag mo pa ang pagganda ng laro ni Val Acuna.

Marahil sa kakaunting playing time ni Pj ay hindi nito makuha ang tamang timpla ng paglalaro. Kasi kung ikaw ang player, minamalas ka na nga, gusto mo pang bumawi pero ilalabas ka na ng coach. Bawas confidence yun. 

Pero hindi ba't napanalunan na nga ni Simon noon ang award na mister quality minutes dahil kahit pamalit lang sya sa starter na si Yap ay malaki pa din ang naiaambag nya para sa team. Kaya nga sya tinawag na super sub diba?

Kung ikukumpara sa kaso ni Yap na nakatanggap ng masasakit na salita sa mga fans dahil sa sama ng laro, magandang bagay sa sitwasyon ni Pj na walang nagbabash sa kanya. Ibig sabihin pwede nyang ibalik ang dating tikas sa paglalaro ng hindi alintana ang kanyang mga kritiko kung meron man.

Sa mga fans ni Pj, kelangan nyo iboost ang confidence ng Mamang ito dahil kelangan ng team ang production nya. Hindi kumpleto ang Big 3 ng San Mig Coffee kung wala ang mga fast break at 3 point shots ng iniidolo nating si Peter June Simon.

2 comments: