Saturday, August 17, 2013

Pano maibabalik ang dating James Yap

Marami na ang Frustrated sa laro ng tinaguriang "Big Game" ng San Mig Coffee na si James Yap. Madami ang nagtatanong, ano ba talagang problema? Lahat ng pwedeng problemahin ni James ay naresolba na mula sa injuries, personal issues, at kung ano ano pa. Pero bakit tila parang wala sa porma maglaro ang 2x MVP ng liga?

Ano ano pa ba ang kelangang gawin ni James Yap upang maibalik ang dati nyang sigla sa paglalaro?

1.Kung malas sa outside shot, sumaksak sa loob. 


Sa unang laro nila laban sa Rain or Shine, nagtala si James ng kalumo lumong 1/14 shooting. Pero sa kabila nito ay nagawa pa rin nyang umiskor ng 8 points sa naturang laro. Dahil ito sa free throws na bukod tanging magandang nangyari kay Yap sa larong yun. Umatake ka lang ng umatake at siguradong makakabingwit ka din ng foul. Sa ganitong paraan, posibleng bumalik ang confidence ni Yap.

2. Defense, Hustle at rebounds

Di man makacontribute sa offense, isa itong paraan para makita ng coaching staff na sulit yung playing time na nilalaan nila para sayo. Mahaba nga playing time mo, maalat naman laro mo. Pero kahit papano, nakikita ko yung defense ni James. Yung mga binabantayan nya kahapon di naman ganun nagdominate ng game. Nasupalpal pa nga nya ang import ng Air 21 Express kahapon. Pero we want more.

3. Fans Support

Naaalala nyo pa ba yung games ng FIBA Asia Championship? Na kahit nangingitlog si Gary David, heto ang mga kababayan natin sumuporta sa kanya. Kahit na magkakaibang team ang sinusuportahan sa PBA, nagsama samang magcheer para makita ang pagsabog ng Granada ni Gary David.




Sigurado ako, sa dami ng fans na nagcheer na yun, madami dun ang San Mig Coffee Mixers Fans. Ngayon, try nating gawin kay James yung pageencourage na ginawa natin kay Gary noong panahon na di sya makaiskor. 

4. Coach Tim Cone
Nung napunta si Coach Tim sa San Mig Coffee at pinalitan si Jeorge Gallent, natuwa ako dahil may magdidisiplina na sa players pag mali ang ginagawa nila sa court. Kilala ng lahat si Coach Tim na strikto, ewan ko lang ngayon kung anong motivation ang ginagawa nya kay James.

Sabihin na nating ineffective yung triangle offense ngayon kay Yap. Bakit di subukang gumawa ng plays para sa kanya? Kahit pasundot sundot lang. Baka sakaling bumalik ang dating angas sa laro ni Yap. 

5. Magshooting shooting din pag may time


Pag ganitong napakaalat ng shooting mo, na kahit open shots ay di mo maipasok. Aba! May problema tayo jan. Last time nagpunta si Lebron dito sa Pinas. After ng show, akala ng lahat wala na si Lebron pero bumalik eto sa court para magpractice shooting. (Hindi na kasama sa show yun)

Ginagawa yun ni Lebron para gumanda pa lalo ang shooting nya. Pero syempre Lebron yun eh.. Di naman natin hinihiling na maging LBJ si James, ang point lang ay yung kagustuhang gumaling pa at mamaintain yung galing, sana andun pa din. Do Something naman. Bihira ang nabibiyayaan ng ganyang talento kaya wag sana mapabayaan. 

1 comment:

  1. Dun sa pics ng fans sorry di ko na matandaan kung san ko kinuha yun. Wala tuloy credits

    ReplyDelete