Bagamat nanalo ang San Mig laban sa Powerhouse team na Talk N Text tropang texters kagabi, heto ang mga fans ng SMCM, di malaman kung magcecelebrate o magdedebatehan.
Ang sentro ng usapan, si Big Game James Yap. Marami ang natuwa sa pagbabalik ng tikas sa hard court ng former 2 time Most Valuable Player ng PBA, marami din naman ang nagsasabing nagawa lang makascore ng malaki ni Yap dahil sa kulang kulang o wala ang best players ng TNT sa nasabing laro.
Sabi ng iba, panong hindi makakascore si Yap eh anluwag ng depensa? Pano kung pisikalan na?
Eh diba andun naman ang kinikilalang best defender ng TNT na si Ryan Reyes? Si Reyes na alam ng lahat na ilang taon ng nagpapahirap sa opensa ni Yap.
Pero tila hindi kumbinsido ang mga kritiko ni Yap. Anila, panay open shots naman ang nagawa ni Yap. Pano kung mahigpitang depensa na? Sa tingin ko, nagawa lamang ni Yap na makahanap ng open shots dahil sa maayos na paggamit nya ng screen na bigay ng team mates. Hinahanap din sya ng mga kakampi para umiskor. So, para sakin pinaghirapan din ni Yap ang 21 points na naiambag nya sa laro.
Hindi lang ito makita ng mga kritiko nya dahil sa apektado pa din sila ng masamang performance ni James Yap sa naunang dalawang laro. Di natin sila masisisi, kasi nga anjan pa din yung pangambang baka hindi na ito masundan ni Yap. Sa kabilang banda, ang mga fans niya na tinatawag na "Yapsters" ay naniniwala na ito na ang simula ng paggandang muli ng laro ni Yap.
Speaking of Yapsters, tila bang ambaba ng tingin sa kanila ng ibang fans. (hindi lang ang Yapsters, pati ibang fans club). Ang mga fans club na ito ay tinitignan ng karamihan na fan lang ng iisang player. Na pag umalis daw ang player na ito sa team, aalis din sila.
Tulad ng fans ni Rico Maierhofer na may fans Club na Ricomaddicts ba yun? Nung nalipat siya sa Ginebra, malamang ay lumipat na din ang mga fans nya sa BGK. Pero sa tingin ko, hindi ito applicable sa lahat. Kasi nga naging fan din sila ng San Mig. At di lang nila naiwasang maging fan ni Rico dahil sa ganda ng laro nya noon.
May mga fans kasi na tinuturing ang sarili nila na fan ng buong team. Hindi ng isang player lang. Laging sinasabi ng mga fans na ito na concerned lang sila para sa team kaya nagagawa nilang punahin ang masamang laro ng isang player. May point sila. Magandang bagay din naman ang pagpuna sa isang player dahil hindi nila malalaman na may ginagawa silang di maganda kung di nila ito gagawin.
Ok na sana, kaso etong mga fans na to, para bang angtaas ng tingin nila sa sarili nila. Na para bang sila ang mas may karapatang matawag na fan ng isang team kasi di sila Fans ng player lang. Fans nga daw sila ng buong team. Eh hindi naman natin masisisi ang mga player fans. Kasi naattract sila ng magandang laro ng player diba? Pinaghirapan ng mga players na to ang kasikatang tinatamasa nila ngayon.
May mga nagsasabing naging fans lang ang mga to dahil "Gwapo daw ang player". Nagpapatawa ba kayo? Kung dinaan lang nila sa papogian ang kasikatan nila eh bakit walang fans club ang mga player na tulad nila James Martinez at iba pa?
Kaya wag nating ibully ang members ng mga fans club na ito. Kaya kung fan ka ng buong team, magandang bagay yan. Salamat sa suporta. Pero intindihin na lang natin kung bakit naakit ang ganun karaming fans para bumuo ng fans club
Dapat malaman ng lahat, fans ka man ng buong team o yapster ka na tao lang si James. Galing sa injury. At di maiwasang mangapa sya.
Kinumpara sya kay Mark Caguioa ng Ginebra na kagagaling lang din sa injury pero maganda agad ang laro. Pero hindi naman ibig sabihin na ganun, dapat ganun na din lahat. Magkakaiba ng kapalaran ang mga tao.
Madali lang kasi magsalita dahil wala tayo sa kalagayan ng player.
Kung ikaw kaya yung player tapos pumanget ang laro mo, malamang masabi mo na lang, "Teka wait lang. Kababalik ko lang. Konting pasensya please."
Patience na lang po San Mig Coffee fans. Hintayin nating maging consistent si Yap. Tiwala lang. Wag ng magaway away ang dalawang klase ng fans



Malamang may mga magalit sakin. Malamang din may mga matuwa. Bahala kayo.
ReplyDeletesapul yan sir sa mga FAN daw ng team.. team fan daw.. LOL
ReplyDeletesapul na sapul... nice article!
Thanks Bhonafide. Panggising lang. Sobra na din kasi.
ReplyDeleteI am a big fan of james yap but honestly nawalan ako gana manuod ng mga games ng smcm but my heart stll belongs to JY and the whole team im a purefoods fan since the 90's so I think bad games of the team wont change a thing that I am a PUREFOODS fan!! merun lagi chance para makabawi
ReplyDeleteSyempre naman po. Pero isang tanong lang po, pano po babalik yung gana mo sa kanya? hehe!
DeleteAko kasi dumating din yung point na nalilito ako kung aasa pa ba ko sa good game nya o hindi.
Go Purefoods! Since 1990s :-)
ReplyDeleteMaka-Alvin Patrimonio ka din sir?
Delete